Duwende sa acacia (Magalang Pampanga Philippines) dwarf in acacia (series 2)




sa acacia ngang yun may namamahay na duwende..
laging pinag mamasdan si tata ando,.

habang kumakain nag pakita ang duwende kay tata ando

sinigurado ng duwende na hindi magugulat ang matanda..
baka daw kasi atakihin sa puso..

si tata ando naman hindi na masyadong na supresa ng mag pakita

ang duwende sa kanya..

para kasing

alam na ni tata ando, na meron ngang ibang nilalang na namamahay
oh humahapon sa puno na iyon.
nararamdaman na pala ni tata ando yun dati pa, 
at hindi din sya natakot dahil ramdam naman niya ang kabutihan sa kung ano man ang nilalang na naroon.

kaya yun, nung magpakita na nga ng tuluyan ang duwende kay tata ando

ok lang,

sabi ng duwende

kumusta ando..

mabuti naman kaibigan,

ito mahirap parin,
sabi ni tata ando..

hmp..

gusto mo bang yumaman?
sabi ng duwende.

Duwende sa acacia (Magalang Pampanga Philippines) dwarf in acacia (series 1)


si tata andong ay isang magbubukid,
araw-araw sya sa bukid, nag tatanim
walang pamilya si tata andong
mag isa lang sya sa buhay kasama nya lang yung nag iisa nyang kalabaw

ganun lagi routin ni tata andong
umaga gigising, mag sasaing mag hahanda papunta sa bukid
tas pupunta na ng bukid para mag simula na ulit mag bungkal at mag tanim
napakaliit ng kinikita ni tata andong sa pag bubukid,
minsan pag wala syang binhi
tumatanggap siya ng bayad para araruhin ang bukid ng iba para ma tamnan nila.

sa tanghali mag papahinga si mang andong sa paborito nyang malilim, mahangin at preskong ilalim
ng puno ng napakalaking puno ng acacia.
napakalaki na ng puno na yun dahil na rin siguro sa katandaan ng puno.
minsan nga tinatanong ng mga tao si tata ando kung d ba sya natatakot lumilim sa ilalim ng puno
na iyon,
pano kasi sabi ng iba may nag papakita daw duon na maligno
sabi naman ng iba
engkanto daw
yung iba naman white lady daw,
iba-iba sinasabi nila
sagot naman ni tata andong sa kanila
e hindi daw sya natatakot sapagkat hindi pa daw siya nakaka kita ng mga
ganoong nilalang sa tanang buhay niya.

ganoon araw-araw umaga magsasaka o mag aararo sa bukid,
pag dating ng tangahali mag papahinga sa ilalim ng puno
minsan pa nga nakaka tulog si tata ando sa malamig lamig at preskong hangin na
hatid ng puno ng acacia, sa dami ba naman ng mga sanga at dahon nito na halos hindi
naman na puputulan malamang presko talaga.
minsan kahit hapon nakaka idlip si tata ando duon,
napaka gaan ng pakiramdam ni tata ando sa lugar na iyon at para bang
napaka aliwalas ng buhay sa tuwing naroon sya.

duon din humihinto si tata ando para mananghalian,
yun nga, dahil sa medyo kapos lagi si tata ando, kailangan nyang tipirin ang
pera nya lagi, kaya naman inuuna nyang bilhin ang bigas
tapos wala ngang refregerator si tata ando
kaya itlog, tuyo at bagoong ang lagi nyang binibili bilang stock na pagkain.

manananghalian na si tata ando nung tanghali na yun, tuyo nanaman ulam niya
nasabi tuloy ni tataando,
hay..
tuyo nanaman...
ang hirap taga ng buhay...
lagi nalang ganito...
tapos nag simula ng kumain si tata ando..

sa acacia ngang yun may namamahay na duwende..
laging pinag mamasdan si tata ando,

cutcut cemetery angeles city pampanga

Puting Babae sa may CutCut Cemetery Angeles city Pampanga

Mula pa bata ako naririnig ko na ang kwento na tu mula sa mga tao, pasalinsalin pero mas claro ang kwento ni isyot.

Noon daw sa pampanga unti palang ang mga bahay,
Yung cutcut sa sementeryo wala pa mga tao na nakatira sa paligid nun. (ngayon marami na bahay).
Yung tanging tao o pamilya lang na nakatira duon eh yung pamilya ng mga sepulturero.
Kubo-kubo lang ang bahay nila, sa may dulo ng sementeryo.
Wala silang kuryente. kanidila o lamparilya lang ang gamit nila.
Kaya kapag pa dilim na ang gabi, sa loob na sila ng bahay. Hindi na sila lalabas dahil nga madilim na.

Ngayon kada galaw, jeep oh kaya tricycle ang sasakyan pero nuon jeep na mangilan ngilan lang ang pumapasada, kaya ang mga tao nuon sa kalesa sumasakay. Ngayon pag nag tricycle ka sosyal, kasi yun na yung pinaka special na sasakyan. Noon kalesa ang pinaka special. tsaka mura lang din naman ang singil ng kalesa dati di man masyadong mahal.

hindi pa masyadong uso ang kuryente dati, unti palang din ang mga poste ng ilaw, kaya medyo madilim sa kalsada, kaya ang mga tao noon hindi na rin nagpapagabi sa kalsada, yun na nga kapag medyo ginabi ka mag kalesa ka nalang dahil wala ng jeep.

Nung isang araw daw sabi ni isyot, yung isang kalesa pauwi na sya sa kanila pa grahe na, eh sa may isang babae na ginabi sa kalsada, wala na ngang jeep sa saan nga noong oras na iyon eh yung mamang kalesa nalang ang nagdaraan, pinara sya nung babae, naawa naman si mamang nag kakalesa kasi nga wala nang masasakyan yung babae, sinakay na din nya, sabay tinanong nya kung saan sya ihahatid, sabi naman nung babae deretso lang po sa may angeles din, natuwa naman si mamang kalesa dahil sa may lampas ng kabayanan ng Angeles nga din ang bahay ni mamang nag kakalesa atles isang daan nalang, nung nasa may palengke na sila ng angeles, tinanong ng mamang nag kakalesa yung babae kung saan sya, sabi nung babae deretso lang po ng unti,
dumeretso lang din si manong,
maya maya pumara na yung babae
"Para po.
"ito po yung bayad.
inabot ni manong mag kakalesa ang bayad.
dumampi yung kamay nung babae sa kamay ni manong..
naramdaman nya malamig..
napalingon si manong sa pasahero nya..
nagtama ang tingin nila..
malakas na ang kabog ng dibdib ni manong..
bumaba na yung babae..
napa sunod yung tingin ni manong sa babae habang papasok sa looban..
pumasok nga sa loob yung babae!
lumalakad ng hindi nakasayad ang mga paa sa lupa!
naka lutang yung babae!
pumasok sya sa looban ng sementeryo!.
hinimatay si manong!.

Yun, hindi lang daw isa, lagi daw nag papakita yung babae sa may cutcut. simula noon ayaw na magpagabi ng mga kutsero, tsaka ng mga driver, at hinding hindi nila gusto mapadaan sa may cutcut.

At yung kwento nag pasalin salin na sa ibat ibang henerasyon.
At ang kwento na ito ay kwento ni isyot.